Upcat the Movie.
Gustong-gusto ko panuorin ‘to. Syempre, isa ako Upcat-takers this year pati si Felix Roco yung bida. (Teka, si felix nga ba? O si Dominic?)
Tumatak sa isip at puso ko yung…
“Pero ako, simple lang naman ang pangarap ko, ang pumasa sa UPCAT”
at
“UP or nothing”
Nakakarelate ako syempre. UP kaya yon! Isa sa pinakamahusay na unibersidad dito sa Pilipinas. Tapos yung UP or nothing, yun lang ang pag-asa kong makapag-aral sa Maynila, kasi hindi naman kami mayaman e. Kukuha nga ako ng USTET at exam sa De La Salle Lipa, pero hanggang exam lang. Hindi ako pag-aaralin dun.
Oh my. Puro ako kwento, hindi naman ako tumatayo dito para tuparin ang mga sinasabi ko.
Maglo-log-out na dapat ako e. Kaso naalala ko.